Tsinoy trader bulagta sa tandem

QUEZON, Philippines - - Napatay ang 31-anyos na negosyanteng Tsinoy na sinasabing pumalag sa holdaper matapos itong barilin ng riding-in-tandem gunman sa panulukan ng M.H Del Pilar at Gomez Street sa Barangay 3, Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Rosalino Lo Sy, alyas Budha. Sa imbestigasyon ng pulisya, pasakay na ang biktima sa pag-aaring SUV na nakaparada sa harapan ng frozen foods store nang lapitan at hatakin ng holdaper ang wallet ng trader na naglalaman ng P4,000 at mahalagang papeles. Pumalag naman ang biktima subalit pinaputukan siya sa dibdib saka tumakas ang dalawang di-kilalang holdaper.

Show comments