Amasonang killer ng 8 pulis sumuko
TUGUEGARAO CITY, Philippines - — Sumuko na kamakalawa sa pulisya ang 21 anyos na amasonang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army na isa sa responsable sa pamamaslang sa walong police commandos sa madugong ambush sa Brgy. CaÂtaratan, Allacapan, Cagayan noong Mayo 2013.
Kinilala ni Sr. Supt. FrankÂlin Moises Mabanag, Chief ng Regional Directorial Staff ng Cagayan Valley Police, ang sumuko na si Marites Alicuman. Ang amasona ay sinamahan ni Allacapan Mayor Leonalia Onia at iba pang lokal na opisyal sa pagsurender sa mga awtoridad.
Ayon kay Mabanag, pinag aaralan na ang posibilidad na maging state witness si Alicuman laban sa kanyang mga dating kasamahan na pinamumunuan ng isang Kumander Lolito Rasa.
Ang mga nabanggit na NPA ambushers ay sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa Republic Act 9372 o ang Anti-Terrorism Act of 2007.
- Latest