Misis kinatay ng adik na mister

MANILA, Philippines - Patay ang isang ginang matapos itong pagtatagain ng kaniyang mister na umano’y lango sa droga habang malubha namang nasugatan ang dalawang anak nito kamakalawa ng gabi sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato.

 Kinilala ang nasawing ginang na si Bainot Islah, na nagtamo ng mga taga ng machete (pangkarit ng niyog) sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Isinugod naman sa pagamutan ang dalawang sugatang paslit na anak ng mag-asawa upang malapatan ng lunas.

 Arestado ang suspek na kinilalang si Teng Islah, isang kilalang drug user sa kanilang lugar sa isinagawang follow-up ope­ration ng pulisya nitong Huwebes ng umaga.

 Sa imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi kamakalawa, mahimbing na natutulog ang mag-iina sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Simsiman, Pigcawayan ng lalawigan ng bigla na lamang  ang mga itong pagtatagain ng suspect ng machete kung saan napuruhan ang ginang.

Samantalang bagaman sugatan ay nagawang makatakbo ng dalawang bata na isinugod sa paga­mutan ng mga nagmalasakit na mga kapitbahay.

Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

 

Show comments