TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Dalawang drayber ang iniulat na namatay makaraang magsalpukan ang kanilang traysikel sa Provincial Road sa Barangay Guinatan, Ilagan City, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Vincente Valdez, hepe ng Ilagan City PNP ang mga biktima na sina Feliciano Pagulayan, 38, ng Barangay Sta. Barbara; at Mark Ryan Pascua, 21, ng Barangay Guinatan. Bunga ng malakas na impact ay nagkadurug-durog ang mga labi ng dalawang biktima na sinasabing isa sa kanila ay lango sa alak.