Guro tinodas ng pamangkin
MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 46-anyos na guro matapos itong pagbabarilin ng kaniyang pamangkin na inaÂkusahan nitong lumason sa kaniyang alagang biik sa gitna ng mainitang pagtatalo kamakalawa sa bayan ng Dinas, Zamboanga del Sur. Kinilala ang napatay na si Cayetano Igano habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Ronald Igano, 22. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kalalabas lamang ng biktima sa eskuwelahan nang komprontahin nito ang pamangkin sa paratang na lumason sa kanilang alagang biik sa Brgy. Regala III sa nasabing bayan. Nagkainitan ang magtiyuhin na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
- Latest