Dayuhang trader dinedo dahil sa aso

BULACAN , Philippines   â€“ Dahil sa alagang aso na inireklamong maingay sa gabi ang isa sa motibo kaya pinagbabaril at napatay ang negosyanteng Pakistani ng kanyang kapitbahay sa Barangay Gaya-Gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa Kairos Hospital ang biktimang si Chaundry Hussain na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa leeg.

Samantala, nasakote naman ng pulisya ang suspek na si Almansor Sanday, 40, tubong Talayan, Maguinda­nao at nakatira sa Towerville Subd. sa nasabing barangay.

Ayon kay PO3 Ariel Gacutan, lumilitaw na pinakakain ng biktima ang alagang aso nang biglang dumating ang suspek saka kinompronta ito kaugnay sa maingay na tahol ng kanyang alagang aso sa gabi.

Gayon pa man, napikon ang suspek sa tinuran ng biktima kaya naganap ang pamamaril.

 

Show comments