Hayskul student ni-rape-slay
MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kaÂmatayan ang sinapit ng 16-anyos na dalagitang hayskul student na pinaÂniniwalaang ginahasa muna saka pinagpapalo at itinapon ang bangkay sa gitna ng palayan sa Purok San Roque Padigusan, Barangay Sta Cruz , bayan ng Rosario, Agusan del Sur kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Richellyn Pagdato, 4th year high school sa Bayugan 3 National High School sa nasabing bayan.
Sa ulat na nakarating kay Caraga PNP spokesman P/Supt. Martin Gamba, bandang alas-6:40 ng umaga nang madiskubre ang namamaho ng bangkay ng biktima na tadtad ng mga sugat at galos sa katawan kung saan tinaÂbunan pa ito ng dayami.
Nadiskubre ni ErÂnesto Salvador, katiwala sa palayan ni Virgilio Ocinco ang bangkay ng biktima matapos na umalingasaw ang masangsang na amoy na nagsisimula ng maÂagnas.
Lumilitaw naman sa imbestigasyon na ilang araw ng nawawala ang biktima matapos itong mabigong makauwi mula sa bahay ng kaklase nito noon pang Disyembre 7.
Pinaniniwalaang ginahasa muna ang biktima base na rin sa kondisÂyon ng bangkay nito nang matagpuan bago pinatay kung saan isinailalim na sa post-mortem examination ang bangkay nito upang makumpirmang ni-rape ito.
- Latest