2 patay sa highway mishaps
LA TRINIDAD, Benguet, Philippines - – Dalawa-katao ang sinalubong ni kamatayan sa naganap na magkahiwalay na highway mishaps sa kahabaan ng Benguet highway noong Huwebes ng gabi.
Si Rogelio Andiso Dagupen, 52, ng Balakbak, KapaÂngan ay namatay matapos mahulog ang Isuzu dump truck (RBR 460) na minamaneho ni Janton Tangaan Pilayen, 22, ng Bacolongan Sur, Buguias, Benguet sa may 80 metrong lalim na bangin sa Sitio Suyoc, Barangay Caponga, bayan ng Tublay.
Sa police report, sina Pilayen at Dagupen ay lulan ng trak mula sa bayan ng Gadang, Kapangan nang sumalpok sa concrete electric post saka nahulog sa bangin.
Kapwa naisugod sa Benguet General Hospital subalit namatay si Dagupen.
Kasunod nito, dalawang oras ang nakalipas ay isang Ford Fiera (ACK 1940) naman na minamaneho ni Albert Antonio “Supite†Lawa ang nahulog sa may 10-merong lalim na bangin sa Man-atong Road, Baculongan Norte, bayan ng Buguias sa Benguet.
Naisugod sa Lutheran Hospital sa Abatan ang mga biktimang sina Goyab AntonioÂ, 54; Josie Wakit Atas, 31; at driver na si Lawa na pawang nakatira sa Botiki, Sebang, Buguias, Benguet subalit idineklarang patay si Joseph Antonio Atas, 35.
- Latest