TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - — Walang sinasanto ang espiritu ng alak matapos katayin ng 34-anyos na magsasaka ang kanyang kuya sa harap ng kainuman sa birthday party kamakalawa sa Barangay Malasin, bayan ng Angadanan, Isabela.
Kinilala ni P/Chief Insp. Salvador Mangulab, hepe ng Angadanan PNP ang napatay na si Elpidio Dugay, 48, habang pinaghahanap naman ang suspek na si Rolando Dugay.
Lumalabas sa imbestigasyon na kapwa nakikipag inuman ang mag-utol nang sinasabing hindi nagustuhan ng suspek ang matalim na titig sa kanya ng kapatid.
Ayon sa mga nakasaksi na sina Donald Baldos at Eugene Bagain, walang anu-anong nilapitan at inundayan ng saksak sa dibdib ng suspek ang biktima kung saan nangisay sa harapan ng mga naguÂlantang na kainuman.