Pulis itinumba ng tandem

CEBU, Philippines - – Napatay ang 34-anyos na pulis matapos itong ratratin ng riding-in-tandem habang naghihintay ng pampasaherong bus sa gilid ng highway sa Barangay Poblacion, Carcar City, Cebu noong Miyerkules ng gabi.

Idineklarang patay sa Carcar Provincial Hospital si PO1 Felicisimo Unabia matapos mapuruhan sa dibdib at tiyan.

Si PO1 Unabia ay nakatalaga sa Mobile Patrol Group sa Cebu City PNP Office. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Ricky Delilis, hepe ng Carcar City PNP, katatapos pa lamang makipag-usap ng biktima sa kanyang kabaro na lulan ng mobile patrol ng maganap ang krimen na may 150 metro lamang ang layo sa police station.

Samantala, nasakote naman ang dalawang suspek na sina Marvin Binoya ng Barangay Poblacion 3 at Juanito Linggatong ng Agusan Del Norte. Gayon pa man, sasailalim sa tactical interrogation ang mga suspek matapos makilala ng nakatatandang utol na si Eddie Unabia base sa  close-circuit television (CCTV) camera footages. Freeman News Service

Show comments