Ina, 3 paslit na anak utas sa landslide

MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay ang isang ina at tatlong anak na paslit makaraang ma­tabunan ng gumuhong bundok ang kanilang tahanan sa Brgy. San Ildefonso, Casiguran, Aurora noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Office of Civil Defense (OCD) Region III Director Josefina Timoteo, ang mga nasawing mag-iina na sina Mercy Terobias, 42-anyos at mga anak na sina Carmi, 11; Vanessa, 8 at Jassel , 5 anyos.

Sinabi ni Timoteo, bandang alas-9 ng gabi nang maganap ang landslide na tumabon sa tahanan ng nasabing pamilya na nasa paanan ng bundok.

Narekober ng search and retrieval team ng lokal na pamahalaan na nag­responde sa lugar ang ka­tawan ng mga biktima.

Sa inisyal na ulat, ang landslide ay sanhi ng malalakas na pag-ulan ng nakalipas na mga araw sa nasabing lugar.

Habang mahimbing na natutulog ang mag-iina  nang biglang dumagundong ng malakas at mabilis na natabunan ng gumuhong lupa mula sa bundok ang kanilang tahanan.

Bunsod nito, gad na lumikas ang iba pang mga residente sa lugar upang makaiwas sa inabot ng mga-iina.

Show comments