Mag-asawa grabe sa pananaksak

CAVITE, Philippines - – Nakikipagbuno kay kamatayan ang mag-asawa matapos na mapagtripang pagsasaksakin ng di-kilalang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Barangay Banalo,  Bacoor City, Cavite. Kinilala ang mag-asawa na sina Grace Lucas Timba, 48; at Ernesto Constantino Timba kapwa nakatira sa nasabing barangay. Tinukoy naman sa alyas Dandan ang suspek na nakatira sa Barangay Sinuguelasan sa nasabing lungsod. Ayon kay PO3 Romar Sinnung, papauwi na ang mag-asawa nang harangin at pagsasaksakin ng suspek pagsapit sa madilim na bahagi ng nasabing lugar.

Show comments