2 tinedyer itinumba sa highway

MANILA, Philippines - Napaslang ang dalawang tinedyer makaraang ratratin  ng mga armadong lalaki  sa gilid ng highway sa Barangay Bulatok, Pagadian City sa Zamboanga del Sur kamakalawa ng umaga.

Kapwa bumulagta sa dami ng mga tama ng bala na naglagos sa kanilang mga katawan ang mga biktimang sina Manilyn Besirel, 14, ng Sta. Lucia District, Pagadian City at isang tinukoy lamang sa alyas na Mar-Mar, 18.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, naitala ang krimen bandang alas-12:30 ng madaling araw kung saan bigla na lamang sumulpot ang mga armadong kalalakihan na agad pinaulanan ng bala ang dalawang biktima.

Kaagad na nagsitakas ang gunmen patungo sa hindi pa malamang destinasyon matapos ang pamamaril habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments