MANILA, Philippines - Muling nag-alburoto ang bulkang Taal matapos makapagtala ng dalawang volcanic earthquakes sa nakalipas na 24-oras. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) patuloy na nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Taal dahil sa bantang pagsabog. Sinabi pa ng Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal na lumapit ang publiko sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog bunsod ng mataas na konsentrasyon ng toxic gases. Nananatiling Permanent Danger Zone (PDZ) ang paÂligid ng nasabing bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay malapit sa bulkan.