MANILA, Philippines - Napatay ang negosyanteng Tsinoy makaraang pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Purok 2, Barangay Guadalupe sa bayan ng Esperanza, Agusan del Sur. Nasapol sa likurang bahagi ng katawan ang biktimang si Suripo Yu matapos ratratin bandang alas-10 ng gabi. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naglalakad ang biktima nang biglang sumulpot ang maskaradong lalaki saka isinagawa ang pamamaslang.