4 NPAs utas sa encounter

MANILA, Philippines - Bulagta apat na rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na magkahiwalay na operasyon ng mga sundalo ng Phil. Army sa bayan ng Maco, Compostela Valley kamakalawa. Ayon kay  Captain Alberto C. Caber, hepe ng  Public Information Office ng  Philippine Army, dalawa sa napaslang na rebelde ay babae na nakipagbarilan sa mga sundalo sa liblib na bahagi ng Barangay Teresa. Samantala, ang dalawa pang  rebelde ay napaslang sa Barangay Malamodao  matapos makasagupa ang pu­wersa ng militar. Narekober sa encounter site ang isang granada, magazine ng bala para sa M16 Armalite rifle at backpacks.

 

Show comments