Holdapan: Konduktor, dispatcher pinabulagta
QUEZON, Philippines - – Napaslang ang konduktor at disptacher ng pampasaherong bus matapos na barilin ng dalawang armadong lalaki na nangholdap kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Concepcion, bayan ang SaÂriaya, Quezon. Napuruhan sa kani-kanilang ulo ang mga biktimang sina Francisco PedÂrahita, conductor, at Lewino Lizano, dispatcher. Sa ulat ni P/Chief Insp. Joel de Mesa, nagdeklara ng holdap ang dalawang di-kilalang lalaki sa mga pasahero ng Raymund Bus (UWG 333) na minamaneho ni Ariel Marantan. Matapos limasin ang mga gamit at pera ng mga pasahero ay nagpaputok ang mga holdaper kung saan tumama sa dalawang biktima na nakaupo sa unahang bahagi ng bus. Nang ihinto ng driver ang bus ay sinabayan ng pagtakas ng dalawa at sumakay sa motorsiklo na patungo sa Brgy. Concepcion Palasan.
- Latest