SANTIAGO CITY, Cagayan, Philippines - – Isang black sand quarry site na pag-aari ng Chinese mining firm ang sinalakay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Cagayan noong Martes.
Ayon sa ulat, pinasok ng mga armadong grupo ang compound ng black sand mining sa Barangay Paruddun, Aparri kung saan tinutukan ang dalawang guwardiya.
Habang ang ilan ay nagtungo sa security office ng nasabing kumpanya at taÂngayin ang 12-shotguns bago tuluyang tumakas gamit ang nakaparadang sasakyan ng minahan.
Ang pagsalakay ng mga armadong grupo ay naganap matapos manawagan ang ilang anti-mining group na itigil ang operasyon ng black sand mining sa bayan ng Aparri at kalapit na bayan.
Sa nakalipas na tatlong taon ay pinasok din ng mga rebeldeng grupo ang mining firm na pag-aari naman ng negosyanteng Taiwanese na nagsasagawa ng extraction ng black sand sa nasabing lalawigan.
Sinunog ang motor pool at milyun-milyong halaga ng mga kagamitan sa pagmimina ang naapektuhan.