^

Probinsiya

Obrero pinugutan ng mag-uutol

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Pinaniniwalaang alitan sa trabaho ang isa sa motibo kaya pinugutan ang 40-anyos na obrero ng tatlong magkakapatid sa karahasang naganap sa plantasyon ng tubo sa Barangay Minallo, bayan ng Naguilian, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Ronnie Naira ang biktima na si Richard Nepumuceno, trabahador sa Eco Fuel Sugarcane farm at tubong bayan ng Ma­linao, Aklan.

Sinasabing namataan ng isang saksi sa krimen na si John Gopio ang pagtakas ng mga suspek na sina Cris Igham, Cristhoper Igham, at Jonnifer Igham mula sa kanilang bunkhouse nang matagpuan ang  gutay na bangkay ni Nepumuceno.

Bago naganap ang pagpatay ay sinabi ng isang katrabaho na si Michael Agustin na natutulog lamang­ ang biktima kasama ang magkakapatid na suspek nang iniwan niya ang mga ito upang kumuha  ng panggatong na kahoy sa paligid ng plantasyon.

Pagbalik nito ay du­guang nakabulagta ang biktima na walang ulo.

BARANGAY MINALLO

CHIEF INSP

CRIS IGHAM

CRISTHOPER IGHAM

ECO FUEL SUGARCANE

JOHN GOPIO

JONNIFER IGHAM

MICHAEL AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with