Technician napagtripan ng adik, dedo

CAVITE -  Pinaniniwalaang napagtripan ng mga adik ang isang computer technician matapos itong pagsasaksakin sa harap ng simbahan sa Barangay Salitran 2, Dasmariñas City, Cavite. Sa imbestigasyon ni PO1 Christopher Postrero, naglalakad ang biktimang si Norkani Agbon kasama ang kaibigang si Russel Paguio nang harangin at at pagsasaksakin ng dalawang di-kilalang lalaki na sinasa­bing lango sa bawal na droga. Hindi naman idinamay ang kaibigan ng biktima na natulala sa nasaksihang krimen. Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit namatay din habang ginagamot.

Show comments