CAVITE , Philippines- Napaslang ang 54-anyos na kawani ng MeÂralco matapos itong pagbabarilin ng kanyang kumpare sa birthday party kamakalawa ng gabi sa Barangay Burol Main, Dasmariñas City, Cavite. Kinilala ang napatay na si Emmanuel Legaspi ng Summerwind Subd. sa nasabing barangay habang pinaghahanap naman ang suspek na si Bobby Mortel ng Barangay San Antonio De Padua 1, Dasmariñas City. Sa ulat ni P03 Elmo Caboboy, magkasamang nakikipag-inuman ang biktima at suspek sa birthday party ng kanilang kumpare nang sumiklab ang pagtatalo. Gayon pa man, naawat ang dalawa hanggang sa magpaalam na ang biktima. Lingid sa suspek ay inabangan siya ng biktima saka pinutukan subalit sumablay kaya gumanti ito ng putok ng baril. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.