CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 25-anyos na biyudo matapos na pagtatagain ng bayaw ng kanyang kalaguyo kamakaÂlawa ng gabi sa Barangay Dapdap, bayan ng Uson, Masbate.
Animo’y kinatay na baboy ng biktimang si Jerome Dando, tubong Motogas Alto sa bayan ng Jimenes, Misamis Occidental at kasalukuyang nakatira sa nabanggit na barangay.
Samantala, sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Jelito Fajardo, 43, biÂyudo, magsasaka at residente rin sa nasabing bayan.
Lumilitaw na dumalaw ang biktima sa bahay ng kanyang kalaguyo na sinasabing hipag naman ng suspek kung saan ang mister nito ay nagtatrabaho sa Maynila.
Nang malaman ng suspek na ang biktima ay nasa loob ng bahay ng kanyang hipag ay kaagad na sinugod at pinagtataga hanggang sa mapatay.
Walang bakas na pagsisi ang susepk sa ginawang pamamaslang sa biktima kung saan pormal namang kakasuhan ng pulisya.