Tsinoy trader kinidnap

BULACAN , Philippines   â€“ Naghasik na naman ng lagim ang mga armadong kalalakihan matapos dukutin ang 52-anyos na negosyanteng Tsinoy sa Barangay Upig, bayan ng San Ildeponso, Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Luis Wong ng Barangay Laging Handa sa Quezon City at may-ari ng Sander Farm Incorp. sa nasa­bing bayan. Sa ulat nina PO2 JJ Henther Mendoza at PO2 Fernando Samson, bandang alas-6:30 ng umaga nang harangin ng mga armadong kalalakihang lulan ng Toyota van (UVE 412) ang sasakyan ng biktima na patungo sana sa kanyang manukan pagsapit sa nasabing lugar. Dito na tinangay ang biktima kasama ang kanyang sasakyan. Samantala, narekober naman ng mga operatiba ng pulisya ang  inabandonang Toyota Hi-Lux ng biktima sa bahagi ng Barangay Sta. Lucia sa bayan ng Angat.

Show comments