Mag-utol inutas sa karinderya

OLONGAPO CITY, Philippines - — Napatay ang magkapatid matapos pagbabarilin ng apat na kalalakihan sa Barangay Mabayuan, Olongapo City kamakalawa ng umaga. Sa ulat ni P/Senior Insp. Edmar Gloria, Police Station 5 commander, kinilala ang mga biktimang sina Marvin Alferos at Mariel Alferos, kapwa nakatira sa 79-C Otero Avenue. Sa police report, niratrat ang mag-utol dakong alas-6 ng umaga matapos mag-almusal sa karinderya malapit sa eskuwelahan. Hawak na ng pulisya ang CCTV camera mula isang bahay kung saan bineberipika na ang pagkakakilanlan ng mga suspek kung saan kinomander pa ang isang traysikel. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 at 9mm pistol.

Show comments