Misis tinodas ng adik na ka-live-in

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 21-anyos na misis matapos itong pagsasaksakin ng kaniyang ka-live-in na sinasabing lango sa droga sa naganap na panibagong karahasan sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City kahapon ng madaling-araw.

Si Jordalyn Zipra ay nagtamo ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kabilang ang ilang malalim na saksak sa kaliwang dibdib.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Elvin Paulino, 27, tubong Tungawan, Zamboanga Sibugay at kilalang drug addict.

Sa imbestigasyon, naganap ang krimen noong Huwebes ng madaling-araw kung saan nakarinig ang mga kapitbahay nang kalabugan sa loob ng bahay ng magka-live-in habang sumisigaw ang babae.

Narekober sa crime scene  ang duguang kutsilyo na ginamit sa pamamaslang.

 

Show comments