Nene inararo ng bike, dedo

MANILA, Philippines - Bulagta ang 8-anyos na elementary pupil habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang mahagip ng motorsiklo sa gilid ng kalsada sa Barangay Lutiman, bayan ng Alicia, Zamboanga Sibugay kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Crisant Jane  Ramos, Grade III pupil habang patuloy na ginagamot sa Alicia District Hospital ang na­sugatang si Jennifer Gonzaga, 9, kamag-aral ni Ramos sa Lutiman Elementary School sa bayang nabanggit. Nabatid na naglalakad ang dalawang bata pauwi sa nang mabundol ng berdeng motorsiklo ni Ramonel Babaran ng Brgy. Lambuyogan. Gayon pa man, sa halip na tulungan at dalhin sa pagamutan ang mga biktima ay mabilis na pinaharurot ng suspek ang motorsiklo patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Show comments