Trike vs bus: 2 utas, 2 grabe

CAMARINES NORTE, Philippines - – Kamatayan ang sumalubong sa dalawang lalaki habang dalawa naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos magsalpukan ang traysikel at pampasaherong aircon bus sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Anahaw, bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Insp. Emir Joseph Valeros ang isa sa dalawang namatay na si Pedro Gamelo, 24, drayber ng traysikel. Malubha namang nasugatan sina Orlando  Salvador, 24; at Orlando Villagracia, 27, kapwa nakatira sa Purok 2, Brgy Guinacutan, bayan ng Vinzons, Camarines Norte. Sa police report, lumilitaw na nag-overtake ang traysikel ng mga biktima na patungong bayan ng Labo sa sinusundang motorsiklo kung saan sumalpok sa kasalubong na DLTB Bus ni Jerald Limbaga ng Barangay Dagotdotan, bayan ng San Lorenzo Ruiz.

Show comments