MANILA, Philippines - Sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tractor ng DOLE-Fil na nagkakahalaga ng P 5 milyon matapos itong harangin sa bayan ng T’boli, South Cotabato kamakaÂlawa ng hapon. Ayon kay Captain Alberto Caber, spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command, bandang alas-4 ng hapon nang harangin ng mga rebelde ang nasabing tractor sa kahabaan ng highway sa Sitio de Asis, Barangay Afus, T’boli. Ang mga suspek ay nagpakilalang miyembro ng NPA matapos tutukan ng baril at pababain ang driver ng tractor na si Fidel Taton. Agad na binuhusan ng gasolina ang tractor saka sinilaban hanggang sa magliyab. “This is another gross violation of the Comprehensive Agreement on Human Rights and International Humanitarian Law by the NPA in attacking civiÂlians and civilian properties,†ayon pa sa opisyal.