Pahinante naipit sa trak, utas

CAMARINES NORTE , Philippines— Patay ang 35-anyos na pahinante habang sugatan naman ang kasamang driver matapos mahulog ang kanilang trak sa malalim na ilog sa Maharlika Highway sa Purok 2, Barangay Tuaca, bayan ng Basud, Camarines Norte kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang namatay na si Albert Reblora ng Barangay San Isidro, Pili, Camarines Sur habang ang sugatan naman ang drayber na si Ricky Montealegre 34, ng Barangay Santiago.

Sa ulat ni SPO1 Joselito Colminero, patungong Daet ang trak (WPA 822) na kargado ng 45 tangke ng oxygen nang mawalan ng kontrol sa manibela si Montealegre pagsapit sa kurbadang highway kaya nagtuluy-tuloy na nahulog mula sa Kalagdo Bridge sa may 15 talampakang lalim na ilog.

 

Show comments