QUEZON, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng 64-anyos na magsasaka makaraang makumpiskahan ng P.4 milyong halaga ng shabu sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Barangay Malabanban Sur, bayan ng Candelaria, Quezon kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Virgilio Cueto kung saan nakumpiskahan pa ng tatlong bala ng cal. 45 pistol. Nabatid na nagpalabas ng search warrant si Judge Eloida de Leon-Diaz kaya sinalakay ng mga tauhan ni P/Supt. Ranzer Evasco ang bahay ng suspek kung saan nasamsam ang 27 plastic sachet ng shabu.