Chopper bumagsak: 2 piloto nakaligtas
MANILA, Philippines - Nailigtas ang dalawang piloto ng pribadong helicopter na kagagaling lamang sa relief mission sa Visayas Region at pabalik na nang bumagsak sa karagatan ng Barangay Salamabao sa bayan ng Obando, Bulacan kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang dalawa na sina Captain James Eagle ng US at Captain Iren Dornier ng Germany na lulan ng Bolkow 105 (RPC699) . Ang nasabing helicopter ay inio-operate ng Aviation Enterprises na may base sa Clark International Airport sa Pampanga.
Nabatid na pabalik na sa Clarkfield, Pampanga mula sa Caticlan, Aklan matapos magsagawa ng relief mission sa lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda nang magkaroon ng problema sa makina hanggang sa bumagÂsak sa dagat ang aircraft.
Nagkataon namang nakita ng mangingisdang si Danilo De Los Reyes ang pangyayari kaya agad na tinuluÂngan ang dalawang piloto.
Samantala, ayon naman sa ulat ni US Marine Capt. Caleb Eames ng 3rd Marine Expeditionary Force sa Joint Task Force 505 ng US, hinagisan ng life vest ng US C130 PAGASA crew ang dalawang piloto.
- Latest