MANILA, Philippines - Napaslang ang dalawang holdaper na lulan ng motorsiklo matapos na makipagbarilan sa mga opeÂratiba ng pulisya sa inilatag na checkpoint sa Purok V, Barangay Bangonay, bayan ng Jabonga, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Supt. Martin Gamba na nakaraÂting sa Camp Crame, kinilala ang dalawa na sina Jeffrey Beluan, 27; at Joel Cabachete, 32, kapwa nakatira sa Barangay Libas.
Bago maganap ang insidente ay nakatanggap ng tawag sa telephone ang Jabonga PMP mula kay P/Senior Inspector Allan Serquina, hepe ng KitchaÂrao PNP na humihiling na harangin sa checkpoint ang dalawang lulan ng motorsiko na sinasabing nasangkot sa nakawan sa nasabing bayan.
Eksakto namang dumaan ang dalawang lulan ng motorsiklo sa checkpoint na inilatag ng pulisya pero tinangkang umiwas dahil sa nakatunog na akmang sisitahin. Dito na nagkaroon ng ilang minutong habulan at palitan ng putok na nagÂresulta sa pagkamatay ng dalawa.
Narekober ang cal. 38 revolver, cal.45 pistol at ang motorsiklong na ginamit ng dalawa.