Retired police official inambus

CEBU , Philippines   â€“ Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 58-anyos na retiradong police official matapos itong tambangan ng riding-in-tandem gunmen noong Biyernes ng gabi  sa kahabaan ng Quirino Bridge sa Muelle Loney Street, Iloilo City, Iloilo. Isinailalim sa intensive care unit sa St. Paul’s Hospital ang biktimang si ex-P/Senior Supt. Musa Amiyong ng Barangay Kasing-Kasing,  Molo district sa nasabing lungsod.

Base sa police report, papauwi na si Amiyong mula sa La Paz district nang mapansing may bumubuntot na motorsiklo sa kanyang sasakyan.

Gayon pa man, binagalan ni Amiyong ang pagmamaneho kung saan inihanda na ang kanyang baril sa anumang susunod na magaganap subalit uma­lingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril ng tandem.

Dalawang bala  ng cal. 45 pistol ang tumama sa leeg ng biktima habang patuloy naman ang imbes­tigasyon ng pulisya.

 

Show comments