84-anyos lola ginawang punching bag ng apo

QUEZON , Philippines   â€“ Ginawang punching bag ang 84-anyos na lola matapos itong mapagtripang gulpihin ng kanyang apong babae kamakalawa ng umaga sa Barangay 9, bayan ng Lucban, Quezon.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo at pasa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Emilia Faller habang nasakote naman ng pulisya ang suspek na si Leah Faller, 20, dalaga, saleslady at nakatira sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-aalmusal ang biktima nang lapitan at gulpihin ng suspek kung saan hinataw pa ng pangmasa ng tinapay.

Nakahingi naman ng saklolo ang biktima sa mga kapitbahay kaya nasakote ang suspek.

Show comments