Karpintero nakuryente

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Nasawi noon din ang isang 36-anyos na karpintero makaraang makuryente sa electrical wiring ng bukirin na sakop ng Barangay Mahipon ng lungsod na ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng Gapan City Police ang biktima na si Ricky Adel may-asawa ng Purok 4, Barangay Pambuan ng lungsod ding ito. Ayon sa pulisya, tumutulong lang ang biktima sa paghahakot ng mga palay ng kanyang kamag-anak sa nasabing lugar, bandang alas-2 ng hapon, nang bigla umanong madulas  sa tambakan sa naturang bukirin at malaglag sa electrical wiring na naging sanhi ng kanyang maagang kamatayan.

Dinala ang labi  ng biktima sa Pabustan Funeral Homes at tumanggi naman ang  pamilya  nito na isailalim ito sa awtopsiya­. 

 

Show comments