Simbahan pinasabugan ng bomba ng NPA rebels

MANILA, Philippines - Hindi man lamang iginalang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kasagraduhan ng isang simbahang Katoliko matapos itong pasabugan ng bomba sa Brgy. Para­sanon, Maragusan, Compostela Valley kamakalawa ng gabi. Ayon kay Lt. Ernest Carolina, Spokesman ng Army’s 10th Infantry Division(ID), nabulabog ang mga residente ng marinig ang malakas na pagsabog dakong alas-10 ng gabi sa kanilang kapilya sa nasabing lugar. Bago ito ay nangikil pa umano ng revolutionary tax ang mga armadong rebelde sa mga residente sa lugar. Sinabi ng opisyal na bunga ng insidente ay napinsala ang nasabing simbahan  sa nilikhang pagsabog ng landmine na itinanim ng mga rebelde bago ang mga ito nagsitakas. Samantalang, isa  ring landmine na may sukat na sampung inches na haba at 6 inches na diyametro ang narekober na itinanim ng mga rebelde sa Brgy. Paloc ng bayang ito.

 

Show comments