Desperadang teacher, nagbigti

CAVITE, Philippines - — Pinaniniwalaang dinamdam ng 28-anyos na teacher ang kanyang karamdaman kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan matapos itong magbigti sa kanilang bahay sa Barangay  Alulod, bayan ng Indang, Ca­vite kamakalawa ng gabi. Bandang alas-10 ng umaga nang matagpuan ang nakabiting katawan ni Juliet Diloy, guro sa Cavite State University. Sa salaysay ng mister na si Nelson Diloy kay PO1 Zidney Divina Manglo, may karamdaman ang kanyang misis na hindi na binanggit kaya hindi na makatiis at nag-suicide.

Show comments