^

Probinsiya

Trader todas sa holdaper

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA , Philippines   â€“ Napaslang ang 49-anyos na negos­yante makaraang barilin ng isa sa tatlong holdaper sa Purok 2, Barangay San Mariano sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Narciso Tobias ng Barangay Niyugan sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija. Base sa ulat, papauwi na ang biktimang lulan ng L300 van (ZJX-423) kasama ang kanyang misis at tatlong trabahador nang barilin ng isa sa tatlong holdaper na lulan ng motorsiklo pagsapit sa nasabing lugar. Nasapul sa mukha si Narciso kaya nawalan ito ng control sa manibela kung saan bumangga ang van sa konkretong bakod sa gilid ng kalsada. Tinangay ng mga holdaper ang shoulder bag na naglalaman ng malaking halaga saka tumakas.

 

vuukle comment

BARANGAY NIYUGAN

BARANGAY SAN MARIANO

JAEN

KINILALA

NAPASLANG

NARCISO

NARCISO TOBIAS

NUEVA ECIJA

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with