Tsino trader binigti ng helper

CAVITE, Philippines - – Napatay ang 49-anyos na negosyanteng Tsino matapos itong bigtihin ng kanyang helper sa loob ng tindahan ng construction supply sa Barangay Burol 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Bandang alas-9 ng umaga nang matagpuang patay si Huangcai Lin, manager ng Kayaco-1 Construction Supply sa nasabing lungsod. Samantala, pinaghahanap naman ang suspek na si Joel Navarro, 34, ng Block 20 Lot 8 sa Barangay Sta. Fe sa nabanggit na lungsod. Sa police report na nakarating kay P/Senior Inspector Fermel Dela Cruz, tiniyempuhan ng suspek na nag-iisa ang biktima bago isagawa ang krimen kung saan iginapos ang mga kamay at paa saka binigti.

Show comments