TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Patay ang 25-anyos na negosyante habang kritikal naman ang limang guro sa naganap na salpukin ng motorsiklo at SUV sa kahabaan ng National Highway sa Barangay San Fernando, bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa.
Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Edilmar Alviar, hepe ng Alicia PNP, nang-agaw ng linya ng kalsada ang nakamotorsiklong namatay na si John Ray Baligod ng Barangay Minante, Cauayan City.
Nabatid na sinalpok ng motorsiklo ni Baligod ang kasalubong na SUV na minamaneho ni Geovanie Morales.
Nawasak ang harapan ng SUV kung saan nasa malubhang kalagayan ang mga sakay nitong guro na sina Patrick Joy Cue, Jayson Baquiran, Val John Mabborang, Jay Mapanao at ang driver na guro na si Morales na pawang naisugod sa Manago Hospital.