Hepe ng WCPD, nag-suicide

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang hepe ng Women and Children Protection Desk  (WCPD) na tumatayo ring deputy chief of police matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng himpilan ng pulisya sa Barangay San Nicolas, bayan ng Panganiban, Catanduanes kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Victor Deona natagpuang patay ang biktimang si SPO1 Eva Ceballo ng kanyang kapatid sa loob ng kuwarto sa himpilan ng pulisya bandang alas-6:25 ng umaga.

Natagpuan din ang baril na hawak pa ng biktima na ginamit sa suicide kung saan may tama ng bala sa ulo.

Napag-alamang bago maganap ang insidente ay nakatatangap ng pagbabanta sa buhay ang biktima at sa kanyang pamilya kaugnay sa kasong hinawakan nito na may kinalaman sa isang negosyante na sinasabing ginigipit ng isang lalaki na nagpakilalang rebeldeng New People’s Army.

Simula noon ay patuloy na nakatatangap ng pagbabanta sa buhay ang biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments