CAVITE , Philippines – Nailigtas ng mga operatiba ng pulisya ang mag-utol na bata kasama ang kanilang kasambahay matapos ang maikling hostage-drama ng isang miyembro ng Akyat-Bahay Gang sa Barangay Molino 7, Bacoor City, CaÂvite noong Linggo ng gabi.
Kinilala ang mga nakaligtas na biktimang sina Jennifer Neri,19, kasambahay; magkapatid na Angelarey Lara, 6; at si Abjul Lara, 3, pawang nakatira sa Blk 8 Lot 16 Lake Lanao Street, Springville Heights Phae 2, Gawaran sa naÂsabing lugar.
Sa hindi naipaliwanag na dahilan ay nakatakas naman ang hostage-taker kung saan tangay ang laptop ng pamilya Lara.
Lumilitaw na pagnanakaw ang isa sa motibo ng di-kilalang miyembro ng Akyat-Bahay Gang subalit napilitang i-hostage ang mga biktima dahil sa iyak ng mag-utol na bata kung saan narinig ito ng mga kapitbahay.
Agad na tumawag sa pulisya ang ilang kapitbahay kung saan nakipagnegosasÂyon sa hostage-taker para mapalaya ang mga biktima.
Ilang oras pa ang nakalipas ay pinasok ng mga operatiba ang bahay ng pamilya Lara subalit biglang naglaho ang kawatan.