TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines – Umaabot sa 20,000 boardfeet na hardwood lumber ang nasamsam ng mga operatiba ng pulisya sa kabundukan ng Sierra Madre sa hangganan ng mga bayan ng San Mariano at Benito Soliven sa Isabela kamakalawa. Sa ulat na nakarating kay Isabela PNP Director P/Senior Supt. Sotero Ramos Jr., ang mga kahoy na sinasabing inabandona ay natagpuan sa paanan ng kabundukan sa hangganan ng Barangay Guilingan, Benito Soliven at Barangay Cadsalan, San Mariano kung saan naganap ang sagupaan ng militar at NPA noong Biyernes. Noong nakaraang linggo lamang, umaabot sa 14,000 boardfeet na kahoy ang nasamsam ng mga awtoridad sa madamong bahagi ng Barangay Guilingan, Benito Soliven at Barangay Buyasan, San Mariano.