^

Probinsiya

German trader itinumba ng riding in tandem

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang negosyanteng Aleman habang sugatan naman ang kasama nitong babae matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang riding in tandem na mga armadong salarin sa Tagbilaran City, Bohol nitong Biyernes ng gabi.

 Dead-on-the-spot sa tinamong dalawang tama ng bala sa ulo ang biktimang  si Benjamin Manuel Anggienstiener, 29 anyos, may ilang buwan na sa Tagbilaran City pero isang turista ang status nito. Isinugod naman sa pagamutan ang sugatang biktima na si Cherry Bin Urdaneta, nagtamo ng sugat sa kaliwang tuhod. 

Sa phone interview, sinabi ni Supt Romeo Perigo, hepe ng Tagbilaran City Police naganap ang insidente sa hangganan ng tulay sa Brgy. Dawis at Causeway, Poblacion 1 papasok ng lungsod dakong alas-6:15 ng gabi habang pauwi na ang biktima lulan ng motorsiklo. 

Base sa imbestigasyon, sinabi ni Perido na dalawang motorcycle riding in tandem ang bigla na lamang sumulpot sa lugar  at hinarang ang dayuhan saka pinagbabaril gamit ang hindi natukoy na kalibre ng baril.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Perigo, dalawang anggulo ang sinisilip nila sa motibo ng krimen, una ay alitan sa negos­yo at ikalawa ay ang kasong estafa ng nasabing dayuhan.

 

ALEMAN

BENJAMIN MANUEL ANGGIENSTIENER

BIYERNES

BOHOL

BRGY

CHERRY BIN URDANETA

SUPT ROMEO PERIGO

TAGBILARAN CITY

TAGBILARAN CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with