25-anyos utas sa onsehan

NORTH COTABATO, Philippines - - Pinaniniwalaang onsehan sa illegal na gawain ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 25-anyos na lalaki ng riding-in-tandem assa­ssins sa bisinidad ng Apo Sandawa Phase 3 sa Kidapawan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Noel Kinazo, deputy director for operations ng Cotabato Provincial Police Office ang biktima na si Mark Richard Blam ng Block 8, Lot 12, sa nasabing lugar. Naisugod pa ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklarang patay habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments