FORT MAGSAYSAY, Palayan City, Philippines - – Umayuda ngayon ang pamunuan ng pulisya at Philippine Army sa Central Luzon sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Visayas region. Nagpadala na si B/Gen. Hernando DCA Iriberri, commanding general ng 7th Infantry Division ng Philippine Army ng apat na opisyal at 97 enlisted personnel mula sa Fort Bonifacio Headquarters para tumulong bilang Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) Operations sa mga lugar na sinalanta ni ‘Yolanda’. Umaabot naman sa 120 pulis mula sa Regional Public Safety Battalion 3 sa pangunguna ni P/Senior Insp. Jose Chalmar Gundaya, Jr. ang ayuda ng police regional office 3 sa Camp Olivas, City sa San Fernando, Pampanga at pinamumunuan ni P/Chief Supt. Raul PetraÂsanta para tumulong sa search and rescue, relief, retrieval at rehabilitation.