Ex-convict itinumba

CAVITE, Philippines - – Pinabulagta ang 43-anyos na bagong laya sa kulungan kaugnay sa kasong drug pushing matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Sta. Cristina 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Ramon Espiritu, may asawa, walang trabaho at nakatira sa nabanggit na barangay. Sa imbestigasyon ni PO2 George Fajardo, nakatayo ang biktima sa bakuran ng kanilang bahay nang lapitan at barilin sa ulo ng di-kilalang lalaki. Nabatid na 10-taong nakulong ang biktima sa kasong pagtutulak ng bawal na droga bago ito nakalaya. Narekober ng pulisya sa biktima ang maliit na plastic sachet ng shabu.

Show comments