50-anyos dedo sa hit-and-run

BULACAN , Philippines   â€” Kamatayan ang sumalubong sa 50-anyos na misis makaraang tumilapon mula sa sinasakyang traysikel saka nasagasaan ng kotse sa naganap na hit-and-run kamakalawa ng gabi sa Barangay Cut-Cot, bayan ng Guiguinto, Bulacan. Kinilala ng pulisya ang namatay na si Ofelia Fajardo ng Barangay Batia sa bayan ng Bocaue. Ayon kay PO1 Ervin Mac Melan, lumilitaw na lulan ng traysikel ni Jimmy Oliva ang biktima nang salpukin ang likurang bahagi nito. Dito na tumilapon ang biktima palabas ng trike saka nasagasaan ng isa pang sasakyan kung saan nakaligtas naman ang driver na si Oliva at ang isa pang pasahero na si Ofelia Lapidiz. Hindi hinintuan ng sasakyang nakabangga ang mga biktima sa kahabaan ng highway sa nasabing lugar.

Show comments