Egyptian national itinumba

CAVITE , Philippines   â€“ Napatay ang isang Egyptian national matapos itong pagbabarilin ng ’di-kilalang lalaki sa bahagi ng palengke sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Alihdris Ahammad ng Blk 18 Lot 18 Phase 2, Avida Sta. Catalina at tumatayong manager­ ng Fameluck Agency sa Ermita Manila habang nakatakas naman ang gunman lulan ng motorsiklo. Ayon kay P01 Christopher Postrero, naglalakad ang biktima sa bisinidad ng private market nang lapitan at ratratin ng gunman. Naisugod pa sa Metro South Hospital ang biktima pero idineklarang patay. Narekober sa crimescene ang mga basyo ng cal. 38 pistol.

Show comments