Mag-asawang trader naholdap ng P3-M

BULACAN, Philippines – Isang mag-asawang negosyante ang natangayan ng P3-M matapos holdapin ng mga pinaghihinalaang notoryus na holdaper sa Brgy. Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan kahapon.

Nangangatog pa ang katawan at halos tulala ng magsuplong sa pulisya ang mga biktima na sina Roselier Cruz at misis nitong si Melissa Cruz; pawang nasa hustong gulang at residente sa lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Maximino Yabut bandang ala-1:15 ng hapon, lulan ang mag-asawa ng Honda CRV (REV -567) matapos mag-withdraw ng nasabing halaga sa Banco de Oro nang harangin at holdapin ng mga armadong suspek.

Kasalukuyan ng tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek na tumahak sa direksyon ng McArthur highway ng nasabing lungsod.

 

Show comments